Course Syllabus
Ang pokus ng pag-aaral ng Kasaysayan ng Daigdig ay tumutugon sa hamon ng pag-aaral ng kasaysayan, politikal, ekonomiya, at lipunan ng daigdig mula sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.
Bakit mahalaga ang pag-aaral ng kasaysayan?
Sa pag-aaral ng kasaysayan hindi lamang ito nakatuon sa nakaraan, ipinapaliwanag din nito kung paano naapektuhan, naapektuhan, at maapektuhan ang ating kasalukuyan at kung paano natin maiiwasan ang mga di-magandang kaganapan sa hinaharap. (Sicat, 2016)
Pinagtutuunan ng pansin sa kagamitang ito ang pag-unawa sa kaugnayan ng heograpiya sa paghubog ng pamumuhay ng mga prehistorikong tao hanggang sa pagtatag ng mga kabihasnan sa daigdig. Inilalahad din ang mga dakilang kontribusyon ng tao noong sinauna at Gitnang Panahon na patuloy pa ring pinahahalagahan at pinakikinabangan hanggang sa kasalukuyang panahon.
Ang mga paksa sa asignaturang ito ay nagtataglay ng mga katangian na inaasahang makatutulong sa pag-aaral at higit na pag-unawa sa mga pangyayari sa kasaysayan at lipunan na siyang huhubog sa ating mga kamalayan na maghahanda sa atin sa hinaharap.
BALANGKAS NG KURSO SA ARALING PANLIPUNAN 8
Unang Markahan
|
Panahon |
Paksa |
|
Linggo 1 |
1. Ang Heograpiya ng Daigdig 1.1. Ang Heograpiyang Pisikal ng Daigdig |
|
Linggo 2 |
1.2. Heograpiyang Pisikal at Lokasyon ng Daigdig Bilang Bahagi ng Solar System 1.3. Distribusyon ng mga Yamang Likas sa Daigdig |
|
Linggo 3 |
1.4. Kultura ng mga rehiyon, bansa at mamamayan 1.5. Pagsusuri sa lahi, pangkat-etnolingguwistiko, at relihiyon sa daigdig |
|
Linggo 4 |
2. Ang Pagsisimula ng mga Kabihasnan sa Daigdig (Mula Prehistoriko hanggang 1000 BCE) 2.1. Mga Yugto sa Pag-unlad na Kultural at Pamumuhay ng mga Unang Tao sa Panahong Prehistoriko |
|
Linggo 5 |
2.1.4. Ang Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Paleolitiko 2.1.5. Ang Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Neolitiko 2.1.6. Ang Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Metal |
|
Linggo 6 |
3. Ang Pag-Usbong ng mga Unang Kabihasnan sa Daigdig 3.1. Ang Kahulugan ng Sibilisasyon at Kabihasnan 3.2. Mga Salik at Pangyayaring Nagbigay-Daan sa Pag-usbong ng mga Unang Bayan, Siyudad, at Kabihasnan sa Daigdig |
|
Linggo 7 |
3.3. Ang Papel ng Heograpiya sa Pagbuo at Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig 3.4. Mga Batayan at Katangian ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig |
|
Linggo 8 |
4. Ang Sinaunang Kabihasnang Egypt 4.1. Ang Impluwensiya ng Ilog Nile at Heograpiyang Pisikal sa Paghubog Ng Sinaunang Kabihasnan ng Egypt 4.2. Ang Pagkakabuo at Pag-unlad ng Egypt Bilang Kaharian 4.4. Relihiyon at Paniniwala ng mga Sinaunang Egyptian 4.5. Kabuhayan at Lipunan ng Sinaunang Egyptian |
Ikalawang Markahan
|
Panahon |
Paksa |
|
Linggo 1 |
1. Ang Daigdig sa Klasiko at Transisyonal na Panahon 1.1. Ang Kabihasnang Klasiko ng Greece 1.1.1. Heograpiya ng Sinaunang Greece 1.1.2. Ang Kabihasnang Minoan at Mycenaean |
|
Linggo 2 |
2. Ang Kabihasnang Klasiko sa Rome 2.1. Heograpiya ng Italy at Rome at ang Pagkakabuo ng Kabihasnang Romano 2.2. Ang Imperyalismong Romano 2.3. Lipunan at Kultura at ang Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko ng Rome |
|
Linggo 3 |
3. Mga Sinaunang Kabihasnan at Lipunan sa Africa 3.1. Heograpiya ng Africa 3.2. Mga Unang Pamayanan at Kabihasnan sa Africa |
|
Linggo 4 |
4. Pag-usbong at Pag-unlad ng iba pang Kabihasnan at Lipunan sa Daigdig 4.1. Mga Sinaunang Kabihasnan sa America: MesoAmerica at Timog America |
|
Linggo 5 |
5. Lipunan at Kultura at ang Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko ng Rome 5.1 Kahalagahan ng kabihasnang klasiko ng Rome 5.2 Mga mahahalagang pangyayari sa panahon ng klasikong Rome |
|
Linggo 6 |
6. Ang Europe sa Panahong Medieval 6.1. Ang Gitnang Panahon sa Europe sa Konteksto ng Panahon ng Transisyon sa Kasaysayan ng Daigdig 6.2. Mga Pangyayaring Nagbigay-Daan sa Pag-usbong ng Gitnang Panahon sa Europe |
|
Linggo 7 |
6.4. Ang Piyudalismo Bilang Sistemang Politikal at Panlipunan sa Europe |
|
Linggo 8 |
6.5. Ang Manorialismo at Buhay-Panlipunan sa Sistemang Piyudalismo |
Look: COURSE OUTLINE AP8 sy.2020-2021.pdf
Pamantayan:
Course Summary:
| Date | Details | Due |
|---|---|---|